Posible Bang Maging Milyonaryo Sa Isang Taon Kahit Empleyado?

Paano maging milyonario sa loob ng isang taon? Possible ba? Yes!

Dati nung bata pa ako, ang alam ko lang na paraan para maging milyonario ay tumaya sa lotto at manalo, kasi wala namang paaralan na nagtuturo kung paano magiging milyonaryo ang isang Pilipino at paano niya ito gagawin para magkaroon siya ng isang milyon sa loob ng isang taon.

Kakaunti lang naman ang nakaka abot ng ganitong pangarap o goal kasi wala naman nag tuturo sa atin sa mainstream media kung paano ito gawin lalong lalo na sa mga paaralan. Naka mind set na sa ating mga kabataan na dapat maging empleyado para kumita ng pera. 

Ok, sabihin na nga natin na empleyado ka na ngayon, pero habang buhay ka bang magiging empleyado? Hindi mo ba papangarapin na magkaroon ng negosyo o passive income para sakaling magretiro ka man ay may mga sasagot na para sa iyong kinabukasan?

Siguro lahat ng empleyado o estudyante pa lang ay kapag tinanong mo ng ganitong tanong, syempre ang gusto nila ay makapag ipon ng pera at makapag retiro sa trabaho ng maaga.

Pero paano? Kasi kung hindi naman ako tataya sa lotto para manalo ng isang milyon ay hindi nga ako magkakaroon ng chance para magkaroon ng milyong piso na pera. At kung mananatili naman akong empleyado na kumikita ng 400 per day (NCR minimum wage) ay mas malabong maging milyonaryo ka kasi 400×365 days = 146000 pesos lang naman at take note, hindi pa bawas dyan yung pang araw araw mong gastusin tulad ng pagkain, tubig, kuryente, upa sa bahay, pamasahe at iba pa.

Napaka imposibleng magkaroon ng isang milyon ang isang hamak na empleyado na kumikita ng 400 per day, di ba? Tama ba?

Well… yan din ang tingin ko dati.

Oo, mahirap sa isang empleyado na sumasahod ng 400 a day maging isang milyonaryo pero 100% possible na kaya niya kung malalaman niya ang mga impormasyon na ito at gagawin niyang disiplina.

Ito ang dalawang bagay na hindi naituro sa amin noon sa eskwelahan,

  1. MONEY MANAGEMENT
  2. COMPOUNDING INTEREST

Ano yun? 

Kung babasahin mo ay parang wala lang… lalo na kung walang magtuturo sa yo.

Pero dito nakasalalay kung paano mo makukuha ang una mong isang milyong piso.

Umpisahan na natin…

Kaya mo bang magtabi ng at least 30 percent ng iyong sahod araw araw? Halimbawa, kung mayroon kang 400 pesos a day na kita ay mag tabi ka ng (400x.30 %) 120 pesos.

Ibig sabihin,

  • 120 per day x 25 (working days) =  3,000 a month savings
  • 3,000 a month x 12 (months) = 36,000 a year savings
  • 36,000 per year savings x 28 years = 1,008,000 pesos savings

Salamat sa MONEY MANAGEMENT dahil sa loob ng 28 years mula ngayon ay pwede mo ng makamit ang unang isang milyon na iyong savings, kaya kung ikaw ay 40 years old na ngayon, makukuha mo ang iyong first million kapag ikaw ay tumuntong na sa edad na 68 years old.

Siguro ayaw naman natin mangyari ito di ba? 68 years old ka na tapos dun ka pa lang magreretiro bilang empleyado o kaya naman OFW? Siguro natatawa kayo kasi yan ang example dito. 

At sigurado ako dahil sa inflation rate o pagbaba ng halaga ng pera eh yung 1 Million mo after 28 years, ay hindi na tulad ng halaga ngayong araw. Baka ang 1 million sa panahon na yun ay nagkakahalaga na lang ng 500 thousand o mas baba pa sa panahong ito.

Kaya naman dito papasok ang pangalawang mahalagang bagay na tinatawag nating COMPOUNDING INTEREST.

Ito ang computation na bumago sa akin dahil ang compounding interest ay ginagamit lamang natin sa pagbabayad ng mga utang sa bangko, sa mga sasakyan at iba pa.

Bakit kaya hindi natin gamitin ang compounding interest sa ating savings?

Kanina ay nag compute tayo ng ating mga savings at kung mapapansin ninyo ang mga savings na itinatabi natin ay naka-fixed sa isang halaga lamang (120 per day).

Kung gagamitan natin ng compound interest ang ating pera bawat araw ay madali nating maaabot ang ating goal na 1 million pesos.

Let us start…

Halimbawa yung itinabi mong 120 pesos ay nilagay mo sa isang negosyo o kaya naman ay bumili ka ng kamatis at binenta mo at pinatubuan mo ng 30 percent (120 x 30% = 36), ibig sabihin ang 120 mo ay naging 156 pesos na. The next day uulitin mo ulit ito kaya ganito ang mangyayari.

Congrats! Nang dahil sa compounding interest ay mayroon ka ng 366,413 pesos o kulang ng kalahating milyon in just 1 month!!! Grabehhh??? Ibig sabihin sa loob ng tatlong buwan ay may isang milyon ka na??? Wow!

Pero teka, paano nangyari yun?

Ulitin uli natin sa umpisa at unawain nating mabuti.

Nag save ka ng 120 pesos sa iyong sahod na 400 per day at ang katumbas nito ay 30 percent ng iyong buong sahod, at inihalimbawa natin na ipinuhunan mo ito at bumili ka ng kamatis sa halagang 120 pesos at pinatubuan mo ng 30 percent kaya may 36 pesos kang kita sa 120 mong puhunan. So ngayon, ang total ng iyong savings ay nagkakahalaga na ng 156 pesos.

2nd Day ay nagtabi ka uli ng 120 pesos galing sa iyong 400 na sahod (dahil nga per day ka naman nagtatabi at sumasahod) ngayon ang total na puhunan mo na or savings ay (120+156 kahapon) nagkakahalaga na ng 276 at bumibili ka uli ng kamatis worth 276 at pinatubuan mo uli ng 30 percent (276 x 30% = 82.8 profit) so ang total na ngayon ng iyong savings ay nagkakahalaga na ng 358.8 pesos.

3rd Day ay nagtabi ka uli ng 120 pesos galing sa iyong 400 na sahod ngayon ang total na puhunan mo na or savings ay (120+358.8 kahapon) nagkakahalaga na ng 478.8 at bumibili ka na naman uli ng kamatis sa buong puhunan mo na worth 478.8 pesos at pinatubuan mo uli ng 30 percent (478.8 x 30% = 143.6 tubo) so ang total na ngayon ng iyong savings ay nagkakahalaga na ng 622.44 pesos.

Abah? Itutuloy ko pa bang isulat yung day 4 hanggang day 25? Ang hirap kaya mag sulat! Tingnan ninyo na lang uli yung chart sa itaas kasi ganyan rin ang computation na lalabas everyday kung patuloy ang compounding interest. 

Gulat ka noh?

Posible ngang magkaroon ng isang milyon sa isang taon kahit kumikita ka lang ng 400 per day bilang isang empleyado. (sabay tawa ng malakas)

Thats the power of MONEY MANAGEMENT and COMPOUNDING INTEREST!

Siguro sa ngayon ay napakaraming ideas na ang umiikot sa inyong mga mapag-imahinasyon na isip dahil sa inyong nalaman. 

Pero syempre nandyan kaagad ang mga negative vibes, tulad ng, 

“Hindi naman ito achievable dahil unang una, empleyado ka at wala kang oras mag benta ng kamatis noh?!” 

Ultimo paglalaba nga ng mga damit mo eh lingguhan lang dahil 8 oras ang nauubos mo sa trabaho kaya paano ka pa makakapag benta ng kamatis? Sige nga?

Pero kung pupwersahin mo siguro ang sarili at sa umaga ay magtitinda ka ng kamatis tapos pagdating ng tanghali papasok ka sa trabaho as call center agent hanggang hatinggabi at pagkatapos mo sa trabaho ay hindi ka na matutulog kasi kinabukasan ng madaling araw kailangan mo ng mamili ng paninda para ibenta sa umaga. (hahahaha) 

Sabagay, tatlong buwan mo lang gagawin yun (na puyat at walang tulog) at abot mo na ang 1 milyon na goal mo at sa mga panahong yun eh siguradong retirado ka na sa pagiging call center agent mo.

Ok, but kidding aside… Isa lang ang gusto kong ipakita at ipaalam dito, na HINDI IMPOSSIBLE na magkaroon ng 1 milyong piso ang isang ordinaryong empleyado kung gagamitan natin ng MONEY MANAGEMENT at COMPOUNDING INTEREST, pero base dun sa example ko na pagtitinda ng kamatis at kung ito ang rin ang magiging base mo para maabot ang goal na yun ay napaka imposible.

Bakit?

Dahil sa oras at trabaho mo. Hindi mo mahaharap magbenta ng kamatis habang empleyado ka at kung marami ka naman maging kakumpetensya sa pagtitinda ay malamang na humina ang benta mo at masira o mabulok ito at siguradong malulugi ka, syempre mawawala pati ang iyong savings na pinuhunan. (RISKY)

Ito ang pinaka challenging na parte bilang isang empleyado dahil kung gusto mong mag compound ang interest ng iyong savings ay dapat mayroon kang sistema o program o business na pwedeng paglagyan ng iyong pera na kikita o tutubo kahit walang supervision mo habang nasa trabaho ka.

Mahaba na itong post na ito kaya dito ko muna ito puputulin, basta’t ang mahalaga ay natututo ka kung paano mo aabutin ang first 1 million mo kahit ano pang estado mo sa buhay at kung sa tingin mo ay nakapagpabago sayong mentalidad ang mga mensaheng ito, baka pwede mo naman itong ishare sa iba, tulad ng kaibigan mo sa facebook o kamag anak mo or sa iyong couple in life.

At kung interested ka naman malaman kung ano yung program/investment/business na ginagawa ko para icompound ang aking savings kahit hindi ko na siya tingnan o asikasuhin araw-araw, share mo lang ang itong post na ito at makikita mong lalabas ang download link ng isang e-Book. 

Wag ka pong mag alala dahil ito po ay LIBRE/WALANGBAYAD/FREE katulad ng nabasa ninyong post.

Nakatulong ka na sa akin, may chance ka pang makatulong sa iba kapag isi-share mo – its a WIN WIN situation.

At siya nga pala, para lalo kang matakam kung bakit kailangan mong mabasa yung e-Book, bibigyan kita ng patikim sa nilalaman nito, tatalakayin ko ang mga sumusunod…

  1. Ang gamit kong institution para magcompound ang aking savings from 5% to 20% monthly.
  2. Ang gamit kong program para i-automate ang aking investment at di ko na siya kailangan imonitor o isupervise (perfect for employees o sa mga walang oras dahil sa work)
  3. Hindi mo na kailangan mag benta ng mga produkto.
  4. Kahit marami kang ka-kumpetensya, kikita ka at mag iinterest ang iyong savings.

Too Good To Be True po ba? Well, yan din ang akala ko dati pero meron niyan at lahat ng yan ay mababasa po ninyo sa e-Book which is FREE. One time mo lang siya isi-share at sayo na ang e-Book.